Nasanay ako nung junior high school pa lang ako na ang mga kasalamuha ko ay mga barkada ko. Pero kalaunan nagbago yun nung tumuntong ako sa grade 11. Unang araw palang ay nakaka-kaba na, kasi iba't ibang mukha na nag makikita ko, iba't ibang ugali ang makakasalamuha ko, iba't ibang pagkatao ang maka kasama ko. Mga ugaling minsan di mo maintindihan. Pero kalaunan, marami din naman akong naging kaclose sa section namin, yung mga kwentuhan, tawanan sa mga oras na walang ginagawa. Mga naging kaibigan ko na laging nandiyan para sa akin, nandiyan para ako'y tulongan at damayan.
- RACHELLE MAE MABRAS
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento