Bilang isang studyante marami tayong nararanasan at kinakaharap na problema at hamon sa buhay. Habang pataas ng pataas ang ating baitang pahirap ng pahirap ang mga gawain. Sa pagtungtong ko ng Grade 11, akala ko nong una na madali lang pero habang lumilipas ang panahon pahirap ng pahirap ang mga gawain. Nakakaramdam na ako nang pagod sa paggawa ng mga proyekto at iba pang gawain sa paaralan. Minsan ay umiiyak na ako sa pagod na aking nararamdaman. Naiisip ko na nga na huminto nalang pero alam ko na meron akong pangarap na gustong maabot kaya gagawin ko ang lahat at haharapin ko ang lahat ng problema at hamon sa buhay upang maabot ko ang aking pangarap. Kahit gaano pa karami ang problema na dumating sa aking buhay ay haharapin ko ito at hinding hindi ako hihinto para sa aking pangarap.
- ALMERA E. SALISE
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento