Martes, Oktubre 15, 2019

Masayang nakaabot tayo sa grade 11 dahil iniisip natin na kunting hakbang nalang upang marating natin ang kolihiyo at maabot ang ating mga pangarap. Akala ko noon ang maging senior high ay madali lang kaya noong nagcompletion na nagiging excited na ako kasi nga malapit na ako maging college. Pero noong naranasan ko na maging senior high school napag isip isipan ko na bumalik sa grade 10.

Maging senior high ay hindi talaga madali lalo nanandito ka sa gas na strand dahil nandito halos lahat ng subject. Maraming proyektong ipinapaggawa parang gusto ko nangsumuko dahil hindi ko na alam ang aking gagawin at ano ang uunahin problema ba sa bahay o problema ba sa paaralan. Pero kahit Ganon nagpatuloy parin ako dahil alam kong may magandang kinabukasan ang naghihintay  sa akin sa hinaharap at dahil porsigido din akong makamtan any pangarap ko at pangarap ng aking Ina. Lumalaban pa rin ako para sad aking pangarap.

Ngayong ikalawang markahan at nadadama ko na na nagsisimula na ang kalbaryo ng aking buhay estudyante. Nagkasunodsunod din any ipinapaggawa sa amin parang halos lahat ng subject ay may proyekto ipinasasagawa parang daladala ko ngayon ang mundo. Bilang estudyante dapat marunong tayong mag time management upang hindi tayo masobrang stress. Dapat magbigay oras tayo sa ating mga sarili. Huwag nating abusuhin ang ating sarli baka may masamang maidulot ito sa atin.

Mahalin natin ating  sarili upang masigla tayong maabot ating mga pangarap. Upang din Hindi tayo mawalan nang gana sa pag- aaral. Humugot ka din ng inspirasyon sa iyong mga magulang o crush.

                                                 - MISSY DE ASIS

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento