Masayang nakaabot tayo sa grade 11 dahil iniisip natin na kunting hakbang nalang upang marating natin ang kolihiyo at maabot ang ating mga pangarap. Akala ko noon ang maging senior high ay madali lang kaya noong nagcompletion na nagiging excited na ako kasi nga malapit na ako maging college. Pero noong naranasan ko na maging senior high school napag isip isipan ko na bumalik sa grade 10.
Maging senior high ay hindi talaga madali lalo nanandito ka sa gas na strand dahil nandito halos lahat ng subject. Maraming proyektong ipinapaggawa parang gusto ko nangsumuko dahil hindi ko na alam ang aking gagawin at ano ang uunahin problema ba sa bahay o problema ba sa paaralan. Pero kahit Ganon nagpatuloy parin ako dahil alam kong may magandang kinabukasan ang naghihintay sa akin sa hinaharap at dahil porsigido din akong makamtan any pangarap ko at pangarap ng aking Ina. Lumalaban pa rin ako para sad aking pangarap.
Ngayong ikalawang markahan at nadadama ko na na nagsisimula na ang kalbaryo ng aking buhay estudyante. Nagkasunodsunod din any ipinapaggawa sa amin parang halos lahat ng subject ay may proyekto ipinasasagawa parang daladala ko ngayon ang mundo. Bilang estudyante dapat marunong tayong mag time management upang hindi tayo masobrang stress. Dapat magbigay oras tayo sa ating mga sarili. Huwag nating abusuhin ang ating sarli baka may masamang maidulot ito sa atin.
Mahalin natin ating sarili upang masigla tayong maabot ating mga pangarap. Upang din Hindi tayo mawalan nang gana sa pag- aaral. Humugot ka din ng inspirasyon sa iyong mga magulang o crush.
- MISSY DE ASIS
Martes, Oktubre 15, 2019
Lunes, Oktubre 14, 2019
Bilang isang Senior High student, hindi nagging madali para sa akin. Maraming pagsubok na dumating, nandiyan yung muntik kanang susuko dahil sa akoy nahihirapan na. Dahil dito tinatagan ko ang loob ko, lumaban ako para sa ikakaganda ng kinabukasan ko. At ng pagsuko na ito ay hindi ko ginawa kailanman, ipinag-patuloy ko ang aking buhay bilang mag-aaral na kahit napakahirap ay kinakaya ko at kinaya ko. Dahil kong susuko ako alam ko na wala akong patutungohan sa buhay kaya lalaban ako para sa kinabukasan.
- ALVIN PAGAS
- ALVIN PAGAS
Bilang estudyante ng Grade 11 Del Pilar, naranasan ko kung paano gumawa ng powerpoint. Naranasan kong magreport gamit ang laptop. Naranasan ko na magprint at magphotocopy. Naranasan ko na hindi magsulat sa notebook ng mga mahalaga g impormasyon ng mga subject. Naranasan ko na kunan nalang nag litrato ang lahat ng topic sa bawat subject. Karaniwan sa mga naranasan ko sa grade-11 ay hindi ko naranasan sa junior high. Masasabi ko na iba talaga ang grade-11 students kaysa sa junior high school students dahil ang grade-11 students ay dapat na resourceful at may mataas na pase sya dahil sa maraming mga projects. Para hindi mastress at kalaunan ay madepress.
- JOELYN LILOC
- JOELYN LILOC
Ang mga karanasan ng Grade 11 student ay di basta-basta. Dito mo mararanasan ang pagod, hirap, kulang sa tulog at hindi makakain ng maayos dahil sa mga gawain na sunod-sunod. Nakakaramdam na ako ng pagod sa tuwing naiisip ko ang mga gagawin. Lagi akong nauubusan ng pera dahil sa mga bayarin sa paaralan, yung dapat ay pangkain ko na, ay ibinabayad ko nalang. Lagi akong nanghihingi ng pera sa mga magulang ko at nahihiya na ako baka kase iba na ang iisipin nila at hindi maiiwasan ang pag iisip ng ganun. At sa mga pangyayari na ganun, hanggat kaya ko, todo tipid ako.
- EDRICH TANTOY
- EDRICH TANTOY
Sa pagtungtung ko nang Grade 11 akala ay madali lang, di ko akalain na ganito pala kahirap ang Grade 11. Habang lumilipas ang panahon ay pahirap ng pahirap ang mga gawain at nakakaramdam na ako ng pagod ngunit gagawin ko ang lahat para malagpasan ito. Hindi ako susuko at palaban ako para sa aking pangarap.
- SAMANTHA MARIE VOCALES
- SAMANTHA MARIE VOCALES
Nasanay ako nung junior high school pa lang ako na ang mga kasalamuha ko ay mga barkada ko. Pero kalaunan nagbago yun nung tumuntong ako sa grade 11. Unang araw palang ay nakaka-kaba na, kasi iba't ibang mukha na nag makikita ko, iba't ibang ugali ang makakasalamuha ko, iba't ibang pagkatao ang maka kasama ko. Mga ugaling minsan di mo maintindihan. Pero kalaunan, marami din naman akong naging kaclose sa section namin, yung mga kwentuhan, tawanan sa mga oras na walang ginagawa. Mga naging kaibigan ko na laging nandiyan para sa akin, nandiyan para ako'y tulongan at damayan.
- RACHELLE MAE MABRAS
- RACHELLE MAE MABRAS
Bilang isang studyante marami tayong nararanasan at kinakaharap na problema at hamon sa buhay. Habang pataas ng pataas ang ating baitang pahirap ng pahirap ang mga gawain. Sa pagtungtong ko ng Grade 11, akala ko nong una na madali lang pero habang lumilipas ang panahon pahirap ng pahirap ang mga gawain. Nakakaramdam na ako nang pagod sa paggawa ng mga proyekto at iba pang gawain sa paaralan. Minsan ay umiiyak na ako sa pagod na aking nararamdaman. Naiisip ko na nga na huminto nalang pero alam ko na meron akong pangarap na gustong maabot kaya gagawin ko ang lahat at haharapin ko ang lahat ng problema at hamon sa buhay upang maabot ko ang aking pangarap. Kahit gaano pa karami ang problema na dumating sa aking buhay ay haharapin ko ito at hinding hindi ako hihinto para sa aking pangarap.
- ALMERA E. SALISE
- ALMERA E. SALISE
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)